Sayaw sa Obando: Diskurso ng pagpapatibay ng pananampalataya at pagpapanatili ng kultura
Keywords:
Kultura, Fertility Dance, Obando, Pananampalataya, Pista, SekularAbstract
Kaakibat na ng pananampalatayang Katolisismo ang debosyon sa mga santo lalo na kung ang mga ito ay nagdudulot ng grasya sa kani-kanilang buhay. May mga kahilingan ang bawat tao na sa kanyang pananaw ito ang makakapagdulot ng kabutihan sa kanyang buhay. Isa sa mga debosyon na masasabing impluwensya na rin ng Kristiyanismo sa Pilipinas ang pagsasayaw at paghiling ng anak, asawa (o kasintahan) at trabaho sa Obando, Bulacan. Sa buong kapistahan, sayaw ang banal na ritwal na idinadayo ng mga tao bilang tulay o instrumento na siyang nakakapanlapit sa mga pintakasi o patron upang maatim ang kani-kanilang mga kahilingan. Ang kapistahan ang isa sa pinakamanipestasyon ng pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng mga santo. Sa unang bahagi ng pagtalakay, makikita kung paano hindi nababago ang pagdiriwang ng Kapistahan sa kabila ng bagong hugis ng panahon, modernisasyon at iba pang radikal na paniniwala. Sa ikalawang bahagi ng pagtalakay, bagamat ang unang kaligiran ng pagdiriwang ng kapistahan ang pagdakila sa isang santo bilang sugo ng Diyos sa tao, dahil sa pagpapalit ng panahon, nagkakaroon ng ibang anyo ang pagdiriwang ng kapistahan at nawawala ang esensya ng pagbibigay ng grasya ng isang pintakasi, bagkus nagiging isang sekular at sa halip na bigyang-pugay ang isang santo, nagkakaroon ng selebrasyon dahil sa promosyon sa mga produkto ng isang lugar o sa isang gawi na dahilan kung bakit nakilala ang lugar na iyon. Kung gayon, sa pamamagitan ng pagsusuri sa kapistahan sa Obando, Bulacan, masasabing kahit na ano pa ang mangyaring hamon sa pananampalataya, hindi pa rin mababago nito ang dalisay na layunin kung bakit naninikluhod at nanampalataya at higit sa lahat naniniwala sa isang konsepto ng pananampalataya.
References
Delos Reyes, R. (2001). Obando: Alamat ng isang sayaw. http://www.oocities.org/obando81/tg/home.html.
Domingo, M. (2007). Bayang pinagpala. Municipal Government of Obando, Bulacan.
Gomez. L.R. (1967). Sri Yijava and Madjapahit. Philippine studies. 15 (1). 93.
Guevarra, S., Gatchalian, C., & Tiatco, A. (2014). Performing cosmopolitan entanglement in the Philippine Pista: Sariaya Agawan Festival. Social Sciences Diliman. 10(2). 1-29.
Hannah, JL. (1988). The representation and reality of religion in dance. Journal of the American Academy of Religion. 56(2). 281-306.
Jocano, F.L. (1967). Filipino catholicism: A case study in religious change. Asian Studies: Journal of Critical Perspectives of Asia. 42-64.
Maiquez, R. (2016). Examining flow through auto-ethnography and performance studies: The Sinulog Festival in Cebu, Philippines. AKDA: The Asian Journal of Literature, Culture, Performance. http://ejournals.ph/article.php?id=10469.
Mirasol, Patricia. (2019 May 14). The Fertility Dance and stories of faith. The Daily Tribune. https://tribune.net.ph/index.php/2019/05/14/the-fertility-dance/amp/.
Picard, D., & Robinson, M. (2006). Remaking worlds: Festivals, tourism and change. In D. Picard & M. Robinson (Eds.), Festivals, Tourism and Social Change. Remaking worlds. 1-31. Cannel View Publications.
Rippen, J., & Bos, M. (2008). Events & Beleven: het 5 wheel-drive concept. Amsterdam: Boom.
Roten, J. & Janssen, T. (2014). Jesus as a child. https://udayton.edu/imri/mary/c/childhood-of-jesus.php.
Sarenas, L. (2020). Philippine’s Obando fertility rites: A view on the filipino familial culture. http://blog.aseankorea.org/?p=175.
Scott, W.H. (1980). Filipino class structure in the Sixteenth Century. Ateneo De Manila University.
Sese, D. & Landy, T. (2016). Obando feast of the three saints and fertility dance. Catholics & Culture. https://www.catholicsandcultures.org/feasts-holy-days/obando-feast-three-saintsphilippines.
Vliet, H. (2019). What is a festival? https://www.researchgate.net/publication/330359431_What_is_a_festival.
Wendt, R. (1998). Philippine fiesta and colonial culture. Philippine Studies. 46. 3-23.
Wong, A. (2019). History of Infant Jesus of Prague: Sto. Niño, We honor, bless and love you! https://catholicsstrivingforholiness .org/santonino-we-honor-bless-and-love-you-history-of-infant-jesus-ofprague/
- PDF | 646
- Abstract Views | 1708
Published
How to Cite
Issue
Section
Copyright (c) 2023 Marvin Reyes
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivatives 4.0 International License.